Si Esau, si Jesus, ikaw at ang iPhone
Tatlong tao ang tutunghayan natin sa maikling pag-aaral na ito: si Esau, ang Panginoong Jesus, at ang ating sarili. Anong aral ang makikita natin sa katauhan ni Esau at ng Panginoong Jesus patungkol sa “iPhone”?
Anong mayroon sa character ni Esau na makikita rin natin sa marami ngayon?
Balikan natin ang buhay ni Esau. Sa Genesis 25 ay mbabasa natin ang ganito:
At nagluto si Jacob ng lutuin: at dumating si Esau na galing sa parang, at siya’y nanglalambot:
30 At sinabi ni Esau kay Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin; sapagka’t ako’y nanglalambot: kaya’t tinawag ang pangalan niya na Edom.
31 At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay.
32 At sinabi ni Esau, Narito, ako’y namamatay: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay?
33 At sinabi ni Jacob, Isumpa mo muna sa akin; at isinumpa niya sa kaniya: at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob.
34 At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas; at siya’y kumain, at uminom, at bumangon at yumaon: gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.
Natunghayan natin kung paano agarang ipinagpalit ni Esau ang kanyang pagkapanganay ng dahil lamang sa pagkain.
Ang sabi ng Biblia ay totoong nanlalambot si Esau ng dumating ito mula sa parang. Hindi napaghandaan ni Esau ang kanyang kakainin sakaling magutom siya sa kanyang pag-iikot-ikot sa parang. Hindi rin mahalaga kay Esau ang kanyang pagkapanganay, isang bagay na magse-secure sana ng kanyang buhay sa hinaharap. Sa madaling salita ay walang vision sa buhay si Esau. Makili lamang ang kanyang pananaw. Mas mahalaga sa kanya kung ano ang agarang pangangailangan at bahala na ang kinabukasan. Kaya nga mas pinili niya ang pagkain kaysa pagkapanganay.
Ang pagiging panganay ay nangangahulugan rin ng pagkakaroon ng responsibilidad bilang spiritual leader sa pamilya o angkan. Katulong siya ng ama ng tahanan sa pagpapalago ng relasyon ng pamilya sa Dios. Isa rin ito sa hindi pinahalagahan ni Esau.
Marami pang tala sa Biblia kung saan ay marami ang nahulog sa patibong ng agarang kasiyahan. Nariyan si Haring David ng makita niya si Bathseba. Nariyan rin si Eba na nagnais ng “knowledge” na ini-offer ni Satanas.
Bagaman gutom na gutom ang Panginoong Jesus ngunit…
Kabaligtaran ito sa ipinakita ng Panginoong Jesus noong Siya ay apatnapung araw ng gutom at tatlong beses na tinukso ni Satanas (Matthew 4:3-10). Kahit na alam Niyang kailangan Niya ang pagkain, ngunit handa Niyang tiisin ang gutom maitaguyod lamang ang mas nararapat.
Halos ganito rin ang ipinamalas nila Daniel at ng kanyang mga kaibigan ng dalhin sila sa kaharian ni Nebuchadnezzar sa Babilonia bilang mga slaves at magsisilbi para sa hari. Inihain sa kanila ang masasarap ng pagkain ng Babilonia, ngunit mas pinili nila ang simpleng pagkain. Ang tamang pagkain ay isang prinsipyo na itinuro ng Dios mula pa ng Creation (Genesis 1:29).
You may also like
Understanding Revelation 4-5 with free and yet powerful sermons
Imagine yourself crossing the beautiful universe and galaxies holding hands with your family together with all the countless redeemed from all the history of humanity. Oh, what a wonderful great day that will be!
Si Jesus at ang pulitika
"Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?"
Different ways on how God is revealing Himself to humanity
Nature tells us that God exists. The Bible reveals the character, activities, and God's plan for humanity. By dwelling among men, Jesus demonstrated God's character in a way that men can experience.
Pray for healing, strength, wisdom, & empathy as we pass through this deadly coronavirus
We also pray for everyone to be understanding and caring regardless of race, religion, and nationality.
Ano ang kinalaman ng iPhone dito?
Ang iPhone ay representation lamang ng mga bagay-bagay na nais nating makamit agad-agad. Marami kasi ngayon ang lubos ang utang o wagas kung maghanapbuhay makabili lamang ng iPhone o anumang material na bagay. Hindi rin lamang sa mga material na bagay, maaring ito ay pagyaman, pagiging sikat, o pagtaas ng level sa lipunan na nais makamit agad-agad.
Itinuturo sa atin ng Biblia na maging mahinahon at pag-isipang mabuti ang paggamit natin ng ating mga resources. Itinuturo rin sa atin ang maayos na pagplano sa buhay.
Inihula na ng Biblia na darating ang araw ay maraming mahuhulog sa patibong ng mga agarang kasiyahan kapalit ng kanilang kaligtasan.
“Sapagka’t marami ang mga nagsisilakad, na siyang madalas na aking sinabi sa inyo, at ngayo’y sinasabi ko sa inyo na may pagiyak, na sila ang mga kaaway ng krus ni Cristo:
Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, na ang kanilang dios ay ang tiyan, at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa.” Philippians 3:19 TAB.
Philippians 3:19 TAB
Sobrang mahal at di kaya ng sweldo, pero “in” kasi. Naka-sale yung 40″ na TV, kaso wala sa budget. “May bagong ni-release na sapatos si Steph Curry, unahin ko yun pag-sweldo”… ito at marami pang iba na common sa ating buhay ngayon.
Nabubuhay nga ba tayo para maging “in” sa kasalukuyang kalagayan? o mas mahalaga sa atin na mag-invest sa buhay na walang hanggan kasama ang Panginoong Jesus?
Siyasatin natin ang ating mga sarili kung tayo ay nahuhulog na nga ba sa patibong ng instant gratification.