Mga paboritong Bible verses ng mga nagpapautang
Ito na marahil ang mga paboritong Bible verses ng mga nagpapautang.
Marami sa ating mga business-minded na mga kaibigan na ginawa nang hanapbuhay ang pagpapautang. Hindi natin sila masisisi dahil dumarami rin ang mga nangungutang na gumagastos na kalimitan ay hindi naman talaga kailangan. Wala na ngang interest minsan ay pahirapan pa kung magsoli ng hiniram na pera. Kumbaga ay naabuso ang kagandahang loob ng pagpapahiram.
Numero unong problema ng mga nagpapautang ang panahon ng singilan. Marami rin kasi ang walang kusang magbayad ng kanilang nahiram. Sabi nga ay mabilis at todo effort kung humiram, ngunit puro katamaran naman at halos hindi na namamansin kapag panahon na ng bayaran. May iyakan sa panahon ng paghihiram, paiyakan din sa panahon ng singilan.
Narito ang ilang mga talata sa Biblia patungkol sa mga pangungutang.
1. Iwasan ang mangutang
“Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban na sa mangagibigan kayo: sapagka’t ang umiibig sa kaniyang kapuwa’y nakaganap na ng kautusan.” Roma 13:7-8 TAB.
Roma 13:7-8 TAB.
Hangga’t maaari ay ayaw ng Biblia na ang mga anak ng Dios ay nanghihiram. Hindi magandang halimbawa sa isang Kristiano ang maraming utang. Sa ayaw natin at gusto, ang pagkakaroon ng palagiang utang ay nagpapakita ng “kawalang patnubay ng Dios” sa paningin ng mga hindi Kristiano. Bukod dito ay marami rin itong kalakip na mga negatibong implications sa buhay ng tao. Ngunit kung tapat sa pagsasauli ng nahiram ay maari namang malagpasan.
2. Ang nangungutang ay buntot at alipin
“Siya’y magpapahiram sa iyo, at ikaw ay hindi makapagpapahiram sa kaniya: siya’y magiging ulo, at ikaw ay magiging buntot.” Deuteronomy 28:44 TAB.
“Ang mayaman ay magpupuno sa dukha, at ang manghihiram ay alipin ng nagpapahiram.” Proverbs 22:7 TAB.
Deuteronomy 28:44 TAB.
Ang taong nangungutang ay itinuturing na buntot at alipin, isang kalagayang parang isinumpa; kaya nga huwag gawing pangkaraniwan na lamang ang panghihiram.
You may also like
Si Esau, si Jesus, ikaw at ang iPhone
Nabubuhay nga ba tayo para maging "in" sa kasalukuyang kalagayan? o mas mahalaga sa atin na mag-invest sa buhay na walang hanggan kasama ang Panginoong Jesus?
Ang Sampung Utos ay para sa Israel lamang?
"Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang... sa bundok ng Sinai... na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin."
Understanding Revelation 4-5 with free and yet powerful sermons
Imagine yourself crossing the beautiful universe and galaxies holding hands with your family together with all the countless redeemed from all the history of humanity. Oh, what a wonderful great day that will be!
24 Elders in Revelation are representatives of the unfallen worlds
Who are the 24 elders in Revelation? Why they can't be the redeemed people? Are there other created beings that did not fall into sin?
3. Huwag magpaasa
“Maigi nga ang ikaw ay huwag manata, kay sa ikaw ay manata at hindi tumupad.” Ecclesiastes 5:5 TAB.
Ecclesiastes 5:5 TAB.
Ayaw ng Biblia na tayo ay mangangakong magbabayad sa takdang panahon ngunit hindi tinutupad. Dito kasi nasisira ang tiwala sa isa’t-isa at magandang samahan.
4. Humiram at di isinauli–wicked!
“Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli: nguni’t ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay.” Psalm 37:21 TAB.
Psalm 37:21 TAB.
Sa mga talatang naisulat dito ay ito na marahil ang pinakapaborito ng mga nagpapautang. Itinuturing kasing masama o wicked ang isang taong nanghihiram at hindi nagbabayad. Doon naman sa nagpapahiram dahil sa awa ay itinuturing na matuwid.
Ang mga talatang ito ay inilista hindi para gamitin sa pangungutya, kundi upang maging paalaala sa ating lahat na ang panghihiram ay gagawin lamang sa totoong kagipitan. Sa nangutang naman ay kusang tuparin ang ipinangakong maibalik ang nahiram.