Si Jesus at ang pulitika
Hindi layunin ng article na ito na sabihing ‘masama na pasukin ang pulitika bilang Kristiano’. Sa Biblia ay maraming halimbawa na kung saan ay maraming mananampalataya na namuhay sa konteksto ng mundo ng pulitika ngunit ginamit ng Dios upang ipakita ang Kanyang pagmamahal sa tao.
Mainit lagi ang usapin sa pulitika. Kadalasan kasing dito nabubuo ang pagkapanatiko sa isang leader o samahan. Kaagad-agad ay nagkakaroon ng kampihan sa mga issues, at kadalasan ay nauuwi sa bangayan ang usapan dahil hindi lahat ay marunong makipagtalakayan.
Hindi rin natin masisisi ang iba na makialam sa pulitika dahil lahat tayo ay apektado ng mga major decisions ng mga politiko at gobyerno. Ang pagtaas ng mga bilihin, ang paggamit natin ng kalsada, kuryente, tubig at iba pang mga pangunahing serbisyo ay malaki ang impluwensiya or roles ng mga pulitiko maging ito man ay sa ikabubuti natin o ikapapahamak.
Ang ating Panginoong Jesus ay nabuhay rin sa halos parehas na sitwasyon. Maituturing nga na mas malalala ang kanilang kalagayan noon bilang sakop ng emperyong Romano.
Ano ang pananaw ng Panginoong Jesus pagdating sa pulitika?
Napakalaki ng chance na maaari Siyang maging political leader ng Israel at posibleng maituring na ‘isa sa mga naging dakilang prime minister’ ng bansa kung ninais Niya.
Tandaan natin na ang mga Judio noon ay uhaw sa pagbabago upang maisalba sila laban sa gobyernong Romano. Ang pagdating ng Messiah na inihula sa mga aklat ng mga propeta ay isang napakalaking pag-asa, matagal nila itong inaabangan. Inaakala nilang may darating na isang political leader mula sa kanilang lahi upang tapusin ang kanilang mga paghihirap sa ilalim ng pamamahalang Romano, at muling ibalik ang glory na tinamasa ng bansang Israel sa panahon nila Haring David at Solomon. Ganito ang kanilang pagkaunawa sa mga isinulat na propesiya patungkol sa Messiah na darating.
Sa maraming buwan na kasama nila si Jesus ay nakita ng mga alagad ang malaking potential na maaaring ang Panginoong Jesus ang political leader na matagal ng hinihintay ng mga Judio.
You may also like
Si Esau, si Jesus, ikaw at ang iPhone
Nabubuhay nga ba tayo para maging "in" sa kasalukuyang kalagayan? o mas mahalaga sa atin na mag-invest sa buhay na walang hanggan kasama ang Panginoong Jesus?
Ang Sampung Utos ay para sa Israel lamang?
"Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang... sa bundok ng Sinai... na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin."
Good news: death is only a sleep!
But why sleep for death? Because this death has resurrection. Just like in sleeping at night, there's a big chance that we will be awake after a few hours.
3 Things every Christian should do for a sanctified life–nothing else
Thanks to God's sanctuary, we now have a clearer picture of what we should do as followers of Jesus. The practice of these three is meaningless if not carried out under the ministration of the Holy Spirit.
Libo-libo na ang Kanyang mga tagasunod, sa Kanyang muling pagkabuhay ay walang magawa ang mga matataas na opisyal sa relihiyon at gobyerno– maaaring Siya na nga ang political leader na matagal ng hinihintay!
Kaya nga isang araw, sa Acts 1:6-8, ay tinanong Siya ng Kanyang mga alagad ng ganito:
“Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?”
Sa puntong ito ay makikitang ang mga alagad ay naghahangad ng isang bansang Israel na may sariling pamamahala. Hindi lamang bansa kundi isang kaharian tulad ng panahon noon ni Haring David. Narito ang sagot ng ating Panginoon na kapupulutan natin ng mahalagang aral:
“Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.
Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.”
Makikitang inilayo agad-agad ni Jesus ang kanilang isipan mula sa ‘kahariang Israel’ patungo sa ‘pamamahayag ng kaligtasan’.
Mas mahalaga sa Panginoong Jesus na mag-focus tayo bilang mga Kristiano sa usaping ikaliligtas ng marami mula sa kapahamakan ng kasalanan.
Ito ang lesson na nais ituro sa atin ng Panginoon sa bagay na ito lalung-lalu na sa panahon natin ngayon. May kalayaan tayong makilahok sa usaping political ngunit ang layunin dapat ay para sa ikaliligtas ng kaluluwa.
Mayroon kaya tayong parehas na kaisipan tulad ng sa Panginoon kapag pulitika na ang usapin?
Ang Biblia ay laban sa corruption at iba pang mga maling gawain
Bagaman labis na corrupt at puno ng mga maling gawain ang mga namumuno sa gobyerno sa panahon ni Jesus at walang naitala sa Biblia na kinompronta ito ng ating Panginoon ay hindi rin ibig sabihin na ito-tolerate na lang natin ang mga maling gawain sa gobyerno.
Ang Biblia ay punong-puno ng pagkastigo sa mga nasa pwesto na ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang magmalabis at yurakan lalu na ang mga maliliit at walang kalaban-laban.
Ang ganitong klase ng mga leaders ay nangangailangan ng Gospel ni Jesus. Kapag hindi sila nakinig ay may kalalagyan sila sa judgment ng Dios.