Checklist upang masundan natin ang Panginoong Jesus maging sa social media
Ang social media ay isang neutral na platform kung morality ang pag-uusapan. Magagamit ito sa maayos at kapakipakinabang na paraan. Maari ring abusuhin tulad ng nangyayari na sa ngayon.
Bagaman marami itong naidudulot na maganda at malaki ang potential na magamit sa pagpapalago ng pagkaalam at pagsunod sa Dios ay saturated din ito ng mga elemento ng kaaway.
Narito ang isang checklist upang mabantayan natin ang ating mga sarili sa paggamit ng tama at makatulong na mas mapalapit tayo kay Jesus sa paggamit ng social media.
1. Ang atin bang paggamit ng social media ay sa ikaluluwalhati ng Dios?
“So, whether you eat or drink, or whatever you do, do all to the glory of God”. 1 Corinthians 10:31
1 Corinthians 10:31
Bagaman hindi nabanggit ang social media sa talata ngunit alam nating kasama ito sa mga gawain natin na dapat ay sa ikaluluwalhati ng Dios. Ayon sa Isaiah 43:7, “Bawa’t tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian”, kaya nga’t kung kino-consider natin na tayo ay Christians nararapat lamang na lahat ng ating ginagawa ay para sa ikalulugod ng pangalan ng Dios.
2. Mas napapalapit ba tayo sa kasalanan sa paggamit ng social media?
“If your right eye causes you to sin, tear it out and throw it away. For it is better that you lose one of your members than that your whole body be thrown into hell”. Matthew 5:29 ISV
“Turn my eyes away from looking at worthless things. Revive me in your ways.” Psalm 119:37 ISV
Matthew 5:29 ISV
Ang kutsilyo, kapag hinawakan ng isang mamamatay-tao, ay napakadelikado. Ganundin ang social media, ipagamit mo ito sa mga taong walang kinatatakutan kung magkasala at tiyak pupunuin ito ng mga contents na hindi kanais-nais lalu na’t ang kapalit ay malaking salapi. Nariyan ang intentional na pagpapalaganap ng mga fake news o pagsisinungaling, sexual perversion, sinful relationships, worldly ideologies na salungat sa itinuturo ng Biblia– ang mga ito ay magpapalayo sa atin sa tamang landas.
Kung hindi natin magawan ng paraan na ma-filter ang ganitong mga contents sa ating personal accounts ay mas makagaganda pa na putulin at huwag pag-aksayahan ng panahon ang social media.
3. Nagpasakop na kaya tayo sa kapangyarihan ng Facebook, atpb?
“Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni’t hindi ang lahat ay nararapat. Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni’t hindi ako pasasakop sa kapangyarihan ng anoman.” 1 Corinthians 6:12
1 Corinthians 6:12
Kailangan ba talagang laging titingnan ang phone tuwing may notification? Ilang oras sa isang araw kung tayo ay nakatutok sa screen at nagbabasa ng kwento o balita na kalimitan ay hindi naman natin kailangan? Ikumpara natin ito sa oras ng paggugol natin sa pagbabasa ng Biblia o pakikinig sa mga sermons online na maghahanda sa atin para sa buhay na walang hanggan. Maari ring i-off ang phone o ang Internet signal at pahingahin ang isipan, mas makakabuti ito sa overall na kalusugan.
Ano ang kalimitang nasusunod, ang social media o ang mga nararapat na mga gawain sa buhay?
You may also like
Good news: death is only a sleep!
But why sleep for death? Because this death has resurrection. Just like in sleeping at night, there's a big chance that we will be awake after a few hours.
Understanding Revelation 4-5 with free and yet powerful sermons
Imagine yourself crossing the beautiful universe and galaxies holding hands with your family together with all the countless redeemed from all the history of humanity. Oh, what a wonderful great day that will be!
Transformed after “God’s image” or after the “image of the beast”?
Are we being transformed after the image of God, or after the image of the beast? Do we teach our children to worship God as well like what Adam did to his son Seth? Every single day we need the Holy Spirit to cast our character into the "likeness and after the image of God".
24 Elders: Who represents the planet Earth in the heavenly council?
We learned from previous lessons that the 24 elders as mentioned in Revelation 4 cannot be the redeemed human beings. Instead, they are representatives of the unfallen worlds in the heavenly council of God's vast creation. A good question to follow is: who represents the planet Earth?
4. Kaninong kabutihan ang nakikita nila sa iyong mga posts: liwanag ba ni Jesus o ang iyong sarili lamang?
“Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.” Matthew 5:16 ABTAG.
Matthew 5:16 ABTAG.
Isang post lamang ay maaari ng makarating at makita ng maraming tao. Kalimitan ay maraming pumupuri sa magagandang posts natin sa social media, ngunit naibabalik kaya natin ang papuri sa Dios sa tuwing may natutuwa sa ating mga ibinabahagi sa Twitter o Facebook? Sa bawat post natin sino ang naitataas: ang ating sarili o ang Panginoong Jesus?
5. Mas lumalago ba ang pagka-alam natin sa katotohanan sa paggamit ng social media?
“Do not be conformed to this world, but be transformed by the renewal of your mind, that by testing you may discern what is the will of God, what is good and acceptable and perfect.” Romans 12:2.
Romans 12:2.
Maraming Christian media ministries ngayon ang gumagamit ng social media upang makatulong sa pagpapalago ng kaalaman sa mga katotohanan ng Biblia. Ito ang mga Facebook pages o Twitter accounts na dapat ay connected sa ating mga personal accounts, upang sa ganon ay sa tuwing bubuksan natin ang ating social media ay malaki ang chance na makabuluhan ang mga posts na makikita natin sa ating smartphone.
6. Ginagawa ba tayong tamad ng social media?
“At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.” Deuteronomy 6:5 TAB.
Deuteronomy 6:5 TAB.
Nang dahil sa palagiang nakatutok sa social media ay wala nang panahon na mag-exercise, lumilipas ang oras na walang physical na gawain na natatapos. Ang iba ay hindi makatulog ng maayos dahil sa mga natunghayan sa Facebook, maikli ang pasensya, o dinadalaw ng depression– nawa ay hindi tayo ganito. Gamitin natin ang ating lakas para sa Dios, at huwag hayaang ma-drain-out ng social media.
7. Tinuturuan ka ba ng social media na maging sakim o gastador?
“Datapuwa’t ang kabanalan na may kasiyahan ay malaking kapakinabangan…tayo’y may pagkain at pananamit ay masisiyahan na tayo doon.” 1 Timothy 6:6 TAB.
1 Timothy 6:6 TAB.
Hindi maiwasan na maikumpara natin ang ating buhay sa buhay at mga gawain ng mga “friends” natin sa Facebook. “Mabuti pa sila nakarating na doon” o “ang gara naman ng bahay nila sa New Zealand”, ito at iba pang pagkukumpara na hindi makabubuti sa atin.
Kung bawat post ng ating mga kaibigan ay nagdudulot ng pagkahili o envy sa ating puso sa halip na ikatuwa natin ang nakamit nila ay marahil hindi para sa atin ang social media. Nawa ay maging tulad tayo kay Apostol Pablo na natutunang maging masaya kung ano meron siya sa lahat ng sitwasyon (Philippians 4:11-13).
8. Approval ng tao o ng Dios?
“For what does it profit a man to gain the whole world and forfeit his soul?” Mark 8:36.
Mark 8:36.
Ang kasiyahan ba natin ay nakadepende sa dami ng “likes” at “tweets” na naipost natin sa Facebook o Twitter? Kung magkanon ay nagpapakita ito na mas mahalaga sa atin ang maghakot ng approval ng tao kaysa approval ng Panginoon. Darating sa point na kahit hindi na tama ay pinopost pa rin natin dahil tiyak iyon na dudumugin ng mga “likes”.
Ang ating kasiyahan ay dapat nakabase sa katotohanang niligtas tayo ni Jesus sa pagkakasala at nariyan Siya lagi upang tayo ay pakinggan, samahan, at patnubayan sa magulong buhay ng kasalanan.
9. Ginagamit ba natin ang social media para ibuhos ang mga reklamo sa buhay?
“Do all things without grumbling or disputing” Philippians 2:14 WEB.
Philippians 2:14 WEB.
Hindi layunin ng Dios na ang Kanyang mga anak ay panay reklamo na lamang. Sa 1 Thessalonians 5:18 ay nakasaad ang ganito: “Whatever happens, keep thanking God because of Jesus Christ. This is what God wants you to do.”
Ano ang nakikita ng mga tao sa mga posts natin sa social media: pagiging reklamador o mapagpasalamat? Tandaan natin na ang taong puro reklamo ay panay negatibo ang nakikita sa buhay, at kapag laging negative ay lalayuan iyan ng mga tao.
10. Pinapatulan pati ang mga ‘troll’?
“Ang mangmang ay walang kaluguran sa paguunawa, kundi maihayag lamang ang kaniyang puso.” Proverbs 18:2 TAB.
Proverbs 18:2 TAB.
Makapag-post lang, kahit walang katuturan. Punong-puno ang social media ng mga debate at usapin ukol sa maraming issues: politics, sports, entertainment, religion– nariyan lahat. May mga pag-uusap na may saysay ngunit halos lahat ay “pataasan ng ihi na lamang”. Gamitin ang oras, isip, pananalita sa mas kapaki-pakinabang na bagay.
11. Anong mga pananalita ang ginagamit natin sa social media: mapanira o inspirational?
“Sa bibig din lumalabas ang pagpuri’t paglait. Mga kapatid ko, ang mga bagay na ito ay hindi nararapat magkagayon.” James 3:10 TAB.
James 3:10 TAB.
Ang social media ay punong-puno ng mga tsismis, pambu-bully, pang-aasar, pangungutya, at mga dapat sana ay pribado o simpleng problema sa buhay ngunit ipinapaalam pa sa publiko. Sa halip na sumunod sa pattern ng mundo mas makagaganda na kontrahin ang agos nito. Magpost ng mga bagay-bagay na magbibigay sigla sa buhay ng makababasa.
12. Mas mahalaga ba ang relationship through social media o ang face-to-face?
“You shall love your neighbor as yourself”. Matthew 22:39
Matthew 22:39
Dapat ay bridge o daan lamang ang social media upang makapag-build-up ng tunay na relasyon. Ginawa tayo ng Dios bilang mga social beings na naka-depende sa mga relationships. “No one is an island” ika nga. Huwag nating iasa sa wireless connections ang ating pakikipagrelasyon sa kapwa. Maglaan ng panahon upang literal at physical na makausap ang mga kamag-anak at kaibigan.
13. Nalilinis ba natin ang personal account sa social media?
“Do not be deceived: ‘Bad company ruins good morals.'” 1 Corinthians 15:33.
1 Corinthians 15:33.
Napakabilis ang makipag-connect sa social media. Marami sa mga connections na ito ay dapat maputol dahil sa maling impluwensiya. Paminsan-minsan ay nararapat na i-unfriend o unfollow ang ilang accounts dahil hindi nakakatulong sa pagpalago ng relasyon sa Dios at pananampalataya sa Kanya.
14. Doble-kara ba ang iyong buhay sa tulong ng social media?
“Kung paano ang mga alapaap at hangin na walang ulan, gayon ang taong naghahambog ng kaniyang mga kaloob na walang katotohanan.” Proverbs 25:14 TAB.
Proverbs 25:14 TAB.
Marami ang kunwari ay ‘cool’ o mabait sa social media, ngunit kakaiba naman ang ugali sa tunay na buhay. Ang mga mabubuting posts na nababasa sa personal account ay hindi akma sa nakikita ng mga tao sa tunay na buhay. Ang iba naman ay palasimba nga at aktibo sa mga church gatherings ngunit palamura naman kung magpost o comment sa social media. Hindi dapat ganun. Napapasama ang pangalan ni Jesus kapag doble-kara ang ipinapakita nating buhay sa social media kumpara sa tunay na buhay.
Nawa ay makatulong ang checklist na ito upang magamit natin ng tama at balanse ang Facebook, Twitter, Pinterest, Flickr, Google+ o anu pa mang social media accounts na meron tayo. Palagian nating isaisip na ang ating goal ay maging instrumento sa pagpapalaganap ng pagibig ng Dios sa tao.