Ang Sampung Utos ay para sa Israel lamang?
Deuteronomy 5:1-5 ang mga talata sa Biblia na kanilang ginagamit upang ituro na ang Sampung Utos ay para lamang umano sa Israel. Ngunit mismong sa mga verses na kanilang ginagamit ay walang salitang “lamang” o pahiwatig na exclusibong sa Israel lang ang pagsunod sa Sampung Utos.
Sa Israel ipinagkatiwala ang mga aral ng Dios (kasama na ang Sampung Utos)
Ayon kay Apostol Pablo, totoong maraming advantages ang pagiging Israelita kasama na dito ang pagkakatiwala ng mga aral ng Dios sa kanila.
“What advantage, then, is there in being a Jew, or what value is there in circumcision? Much in every way! First of all, the Jews have been entrusted with the very words of God.” Romans 3:1-2 NIV
Kung susundan natin ang paraan ng pagbabasa ng mga nagtuturo na hindi para sa Kristiano ang Sampung Utos (pagdagdag ng salitang “lamang” na wala naman sa talata) ay malamang na i-conclude na tayong hindi mga Israelita ay wala nang karapatan sa mga aral ng Dios. Huwag nawang mangyari.
Kaya nga tinatanggap natin na ang mga aral ng Dios, kasama na ang Sampung Utos, ay ipinagkatiwala sa Israel. Ngunit ang tanong ay para nga ba sa kanila lamang ito, lalu na ang pagsunod?
Ang Jerusalem ay inilagay sa gitna ng mga bansa
“Thus says the Lord GOD: This is Jerusalem. I have set her in the center of the nations, with countries all around her.” Ezekiel 5:5 ESV
Bakit iniligay ng Dios ang Israel sa gitna ng mga bansa?
“Keep therefore and do them; for this is your wisdom and your understanding in the sight of all the peoples, that shall hear all these statutes, and say, surely this great nation is wise and understanding people.” Deuteronomy 4:6 NIV
“Arise, shine; for thy light is come, and the glory of Jehovah is risen upon thee…but Jehovah will arise upon thee, and His glory shall be seen upon thee. And nations shall come to thy light, and kings to the brightness of thy rising.” Isaiah 60:1-3
Ngayon ay nakita natin kung bakit inilagay ng Dios ang Israel sa gitna ng mga bansa, at kung bakit sa kanila ipinagkatiwala ang mga aral ng Dios: at ito ay upang maging halimbawa o modelong bansa na magre-reflect ng liwanag ng Dios sa lahat ng mga nakapalibot sa kanila, at ang lahat na maaakit sa pagibig ng Dios ay kasamang magiging masunurin sa Kanyang mga kautusan. Hindi naman maganda na aanib ang isang tao sa kapulungan ng Dios ngunit manlalabag ng Kanyang mga kautusan.
Buong sanlibutan ay sumasalangsang, hindi lamang Israel
Sa Isaiah 24:4-5 ay mababasa natin ang ganito:
“Ang lupa ay tumatangis at nasisira, ang sanglibutan ay nanghihina at nanglalata, ang mapagmataas na bayan sa lupa ay nanghihina. Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon; sapagka’t kanilang sinalangsang ang kautusan, binago ang alituntunin, sinira ang walang hanggang tipan.”
Kung sa Israel lamang ang pagsunod sa Sampung Utos (bahagi ng mga kautusan ng Dios), bakit kasama ang buong sanlibutan sa mga sinasabing sumasalangsang? Patunay lamang ito na ang Sampung Utos ay para sa lahat.
Ang Sampung Utos ay para din sa mga Kristiano
Ngayon ay gamitin natin ang isang talata sa Bagong Tipan upang patunayan na ang Sampung Utos ay para sa mga Kristiano rin.
“Ito’y yaong Moises, na nagsabi sa mga anak ni Israel, Palilitawin ng Dios sa inyo ang isang propeta na gaya ko, mula sa inyong mga kapatid. Ito’y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin:” Acts 7:37-38 TAB.
Acts 7:37-38 TAB.
Ang nagsasalita sa talatang ito ay si Stephen, tinaguriang unang Kristianong martyr. Malinaw sa kanyang mga binitawang pananalita na ang mga aral na buhay na ibinigay kila Moises noon ay para rin sa mga Kristiano ngayon. Ang Sampung Utos ba ng Dios ay tinuturing mong aral na buhay? Kung magkagayon ay para din sayo ang Sampung Utos ng Dios.
May mga seremonya at palatuntunan na ginagawa noon sa panahon ni Moises na hindi na natin dapat na gawin sa panahon ngayon, ganunpaman ay may mga mahahalagang aral itong itinuturo sa atin. Ang kautusan ng Dios na perpekto (Psalm 19:7) at eternal (Psalm 119:160) ay hindi kabilang sa mga napawi na. Ang pagtalakay sa topic na ito ay makikita sa ibang article.
You may also like
Different ways on how God is revealing Himself to humanity
Nature tells us that God exists. The Bible reveals the character, activities, and God's plan for humanity. By dwelling among men, Jesus demonstrated God's character in a way that men can experience.
2 Devastating Satanic lies the world and Christianity embrace
If we accept the widespread belief that God’s law is not binding anymore and that man has an intelligent soul that goes out of the body at death, then we are elevating ourselves as God and thus embracing Satan’s century-old lies.
Si Jesus at ang pulitika
"Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?"
Ang Sampung Utos ay para sa Israel lamang?
"Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang... sa bundok ng Sinai... na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin."
Ang tinutukoy ni Stephen ay ang kaganapang naitala rin sa Nehemiah 9:13-14:
“Ikaw rin naman ay bumaba sa bundok ng Sinai, at nagsalita ka sa kanila mula sa langit, at binigyan mo sila ng mga matuwid na kahatulan at mga tunay na kautusan, mga mabuting palatuntunan at mga utos: At ipinakilala mo sa kanila ang iyong banal na sabbath, at nagutos ka sa kanila ng mga utos, at ng mga palatuntunan, at ng kautusan, sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod.”
Makikita na kasama ang pangingilin ng ikapitong araw na Sabbath sa mga naipakilala sa Israel noon, na ayon kay Stephen ay mga aral na buhay na ibinigay sa atin.
Nakita natin na maging sa Luma o Bagong Tipan ay itinuturo ng Biblia na ang Sampung Utos ng Dios ay para sa lahat ng tao sa sanlibutan. Ito ay ibinigay o ipinagkatiwala sa Israel, ngunit hindi para sa kanila lamang ang pagsunod.
Galit ang kaaway sa mga kautusan ng Dios kaya ginagamit niya ang mga mangagaral ngayon upang ilayo tayo sa mga aral na buhay ng Dios.
Sa bagong tipanan ay mas pinalapit ito sa tao, isinulat sa puso at isipan:
“For this is the covenant that I will make with the house of Israel after those days, declares the Lord: I will put my laws into their minds, and write them on their hearts…” Hebrews 8:10 ESV.
Hebrews 8:10 ESV.