Mga Bible verses laban sa depression at kawalang pag-asa
Maliban sa taos-pusong pakikipag-usap sa Dios na lumalang sa atin at itinuturing tayong kaibigan ay mahalaga rin na may mga taong makakausap.
Huwag mahiya o matakot na kontakin ang mga taong naiisip mong makikinig sayo. Kung wala ang mga kaibigan o pamilya, ay kontakin ang mga pastors o ministro para maalalayan ka. Karaniwan ay may pag-aaral sila sa counseling o maaari kang i-refer sa tulong ng isang professional.
Hindi mo kailangang maging banal o perpekto para pakinggan ng Dios. Handa Siya laging makinig dahil anak ka Niya.
At kung ating nalalaman na tayo’y pinapakinggan niya sa anumang ating hingin, nalalaman natin na natanggap natin ang mga kahilingang hinihingi natin sa kanya. 1 John 5:15
Isang malaking ginhawa at pag-asa na malaman na ang ating Panginoong Dios ay totoong laging handa na pakinggan at sagutin ang ating mga panalangin sa Kanya.
“If you are tired from carrying heavy burdens, come to me and I will give you rest.” Matthew 11:28
Matthew 11:28
Huwag na nating hintayin na mapagod tayo at saka lamang tatakbo sa Dios. Gawin na nating habit na laging isangguni sa Dios ang mga decisions sa ating buhay, araw-araw.
“God cares for you, so turn all your worries over to him.” 1 Peter 5:7
1 Peter 5:7
Siya ang gumawa sa atin. Ibinigay Niya ang sarili Niyang Anak para sa atin. Siya ang ating Ama. Iniisip Niya lagi ang ating kalagayan.
“Huwag kang matakot, sapagka’t ako’y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka’t ako’y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.” Isaiah 41:10
Isaiah 41:10
Hangga’t ang Dios ang naghahari sa ating buhay ay wala dapat tayong pangamba. May mga pag-aalinlangan dahil tayo ay tao lamang ngunit hindi dapat umabot sa kalagayang “wala nang pag-asa”.
You may also like
Good news: death is only a sleep!
But why sleep for death? Because this death has resurrection. Just like in sleeping at night, there's a big chance that we will be awake after a few hours.
Mga paboritong Bible verses ng mga nagpapautang
Hangga't maaari ay ayaw ng Biblia na ang mga anak ng Dios ay nanghihiram. Marami kasi itong kalakip na mga negatibong implications sa buhay ng tao.
24 Elders: Final Celebration with the Lost-and-Found Sheep
Christ laid aside the glory in order to save the one lost world. For this He left the sinless worlds on high, the ninety and nine, and came to redeem this earth.
“Sapagka’t ang kaniyang galit ay sangdali lamang; ang kaniyang paglingap ay habang buhay: pagiyak ay magtatagal ng magdamag, nguni’t kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.” Psalm 30:5
Psalm 30:5
Ang kaparusahan at resulta ng maling decision ay nararapat para sa ating ikatututo. Ngunit ang tagumpay na pangako ng Dios ay buhay na walang hanggan na walang bahid ng kasalanan.
“Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;” Psalm 9:9
Psalm 9:9
Kung ikaw ay nasa alon ng kapighatian sa kasalukuyan ay pagkakataon mo itong i-challenge ang Panginoon sa Kanyang pangako. Subukan mo Siya. Hayaan mong Siya ang masunod, at ipanalangin mong ipakita sa iyo ang Kanyang kasagutan.